Isang daan at labing-apat sa nalimutang pagmamahal
Dalawampu’t walo sa tangkang pagpapatiwakal
Dalawampu’t isa sa pagsakal
Sa dangal
Isang dangkal
Na hiwa para sa
Hindi ko na matandaan
Ang natira’y para sa
*****

tumutunghay
tumutungo
umiiling
umuoo
ikit pakaliwa
ikit pakanan
helikopter
o
turumpo
o
buhawi
o
tsubibo
hilong talilong (gnolilat gnolih)
*****
pinatay na raw lahat ng martir sa bagumbayan
hanggang sa palitan na ng luneta ang pangalan

No comments:
Post a Comment