Masyadong malaki para sa palasingsingan ko
Para sa akin ba dapat iyon?
Akin nga kaya iyon?
Kay gandang larawan iyong iginuhit
Subali’t bakit hindi ko kamukha?
Hindi ba ako iyan?
Hindi nga ako iyan
Halos itahi mo na sa katawan mo ang cellphone
Text ka nang text buong magdamag
Wala naman akong natatanggap
*****
Mahigpit kong hinahawakan ang bolpeng walang maisulat
Natuyo na ang tinta gaya ng mga luhang walang silbi
Hindi ako makausad sa isang salita na paulit-ulit pang pinahi
Naiinip na ang papel sa matagal na paghihintay
Matapos ang mahabang pagkatulala
Inilapag ko nang marahan ang bolpen
*****
Bawa’t sulyap mo ay isang
hagod
sa pusod
ko.
Nakakikiliti
Nakatitindig
balahibo.
Mula binti hanggang batok
Para kang multo ng kahapon
Pilit iniiwasan
Pilit kinalilimutan.


No comments:
Post a Comment